"Nakasusulat" ako ng talata sa salitang Ingles... (Tama! Nakasusu- hindi, Nakakasu- iyon ang tama! Iyon ang napag-aralan namin sa Sining ng Pakikipagtalastasan nung college)
NAKAKASULAT ako ng talata (he he!) sa salitang Ingles pero hindi ito kasing-bilis ng pagsulat ko sa salitang tagalog. Pero naisip kong may mga expresion sa english na ang hirap-hirap i-translate sa Filipino... Pilipino... Bakit nga ba letter "F" at "P" pa ang _ilipino? NAKAKALITO tuloy! Ooops! NAKALILITO pala!
Pero bakit nga ba ang nakatira sa America ang tawag sa kanila American? Bakit ang mga nakatira sa Philippines, bakit hindi matawag Na "Philippino"? Ang gulo ko 'di ba? Ang gulu-gulo nating lahat na nakatira sa bansang Pilipinas.
Letter "F" at "P" pa lang migraine na. E paano pa kaya kung dumating na ang trio ng "C.Z.S."?
Noong mid-90's nahilig ako sa OPM. Bata pa ako nung tanungin ko ang ate ko kung ano ang ibig sabihin ng OPM..? Ang sagot niya sa akin ay "Ol Pilipino Myusik". Ako naman si tanga ay naniwala, kaya hanggang sa mag-highschool, kumbinsidong-kumbinsido ako na iyon nga ang ibig sabihin ng OPM. Pero habang tumatagal nagdududa na ako sa katotohanang iyon. Saka ko lang natuklasang ORIGINAL PILIPINO MUSIC pala ang totoong ibig sabihin niyon.
Original? Pero bakit gano'n? Dati kapag narinig mo ang kantang "Nanghihinayang" alam mong original song iyon ng Jeremiah. Kapag "Kasalanan Ba" sa Men Oppose. Kapag "Sana ay Mahalin Mo Rin Ako" alam na alam kong sa April Boys iyon (e kapag kinakanta ko kaya iyon no'n, napapapikit pa ako). Dati 'yon...
Kung tutuusin mas talented ang mga mang-aawit ngayon. Mas kargado ng mga voice lesson at workshops. Pero wala nang mai-produce na ORIGINAL-HUGE-HIT-SONG. Nakakaawa naman sila Sheryn Regis at Rachelle Ann Go. Mga totoong may talent pero nasasayang lang dahil hindi ma-recognize. Kumikita sila, pero para lang silang hotel lobby singer na naka-secure ng album. Gusto ko ang style nila, kapag nanonood ako ng ASAP sila ang inaabangan kong umawit.
Ganunpaman, hindi lang naman silang dalawa. Marami pa... Naging cover country na nga ang Pilipinas. COVER... RENDITIONIST... REMAKE... Wala akong alam sa MUSIC INDUSTRY ng FILIPINAS. Taga-pakinig lang ako at paminsan-minsan bumibili ng original cd sa SM Manila.
Malayung-malayo na ang narating ng ng OPM... Malayo na sa konseptong originally sa acronym nito. Mabuti pa talaga ang Jeremiah noon, hanggang sa tumanda sila alam kong sila ang kumanta ng "Nanghihinayang".
Tsk tsk! Ayokong maramdaman ito, dahil alam kong may there's always a room for improvement. Peo hindi ko maiwasan ang manghinayang sa industriya ng O.F.M.
-jhayYz
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment