Taliwas sa pagkakaalam n g marami. Hindi mangga ang pambansang prutas ng Pilipinas kundi aratiles. Kahit saan lugar sa Pilipinas, mayroong puno nito, kaht sa probinsiya, kahit sa Metro Manila, kahit sa mga bakanteng lote at kahit nga sa mga nilulumot na pader ay mayroon ding tumutubong aratiles. Natuklasan ko iyon nung kinder pa ako, nung mapagtrip-an namin ng mga kalaro ko na manghuli ng mga ipis-bato. Nakita kong may binhi ng aratiles sa paborito naming tambayan ang kanal.
Speaking of kanal, nung isang araw may nakita akong mga bata na ngangapa sa kanal para manguha ng mga baryang nahuhulog at kung makakakuha ay ipangka-kara-krus nila. Wala pa rin talagang ipinagbago ang mga bata noon at ngayon. Dahil noon ang mga kalaro ko hilig din nilang mangalukay ng kanal. Ang kaibahan nga lang siguro medyo sosyal na sila ngayon dahil bumibili daw sila ng tig-pipisong naka-repak na chlorine para ipanglinis sa mga kamay nila.
Pero mabalik tayo sa aratiles. Ewan ko nga ba kung bakit hindi pa idinideklara ng Department of Agriculture at Department of Education Culture and Sports na ang ating pambansang prutas ay ang aratiles. Nang sa gayon ay maituro na ito ng mga guro sa mga mag-aaral sa elementarya.
Bukod sa GMRC na subject. Dapat isama na rin sa curriculum ang subject na ARATILES EDUCATION. Kami nga noon ang P.E. namin pabilisan sa pag-akyat sa puno at paramihan ng makukuhang bunga, dapat puro pula lang. Tapos kapag nagkadayan sa partihan, boksing naman.
Hay! Parte talaga yata ng buhay ng bawat bata ang aratiles. Pre-requisite ang subject na "Kasaysayan ng Aratiles" at kung hindi mo ito mate-take up hindi ka din makakapag-highschool. Pero umabot na ako sa edad na ito, ngunit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang english ng aratiles, basta ang tawag ko diyan nung college na ako "3PM".
Mayroon daw tatlong uri ng mga taong darating sa buhay mo. Ang una ay tila isang masarap na hangin na dumaan lang. Ang pangalawa ay malakas na ipu-ipo na maaaring iwanan kang sugatan, subalit matututo ka. At ang pangatlo ay sadyang ipinadala upang gamutin ka pagkatapos ng isang unos.
Sa bawat pagkakataon at mga kabanatang nagdaan sa buhay ko hindi ko maiwasang malungkot. Wala na yatang mas malungkot pa sa salitang paalam. At wala na rin yatang mas masakit pa sa salitang pagluha.
Luha... Paalam... Mabibigat na salita, at 'eto pa ang isang mabigat. Alaala... Sa bawat pagbabago maiiwanan ka talaga ng mga alaala. Sana sa bawat alaala ay kasing tamis din ng mga pulang aratiles na pinipitas ko nung ako ay munting bata pa. Pero ang ilan sa mga iyon ay mapakla at napag-dudulot pa sa iyo ng iti.
Bakit kaya may star sa bunga ng aratiles???
-jhayYz
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment