Saturday, July 4, 2009

MAKATI NGA SYA!!!

Ilang araw nang nangangati ang itlog ko. Oo, as in bayag. At sa sobrang pagkamot ko, nagsugat na ito. Kaya nung una, nilagyan ko ng EFFICASCENT OIL, pero sa tuwing natutuyo na ang gasgas sa scrotum ko. Nakakatihan ko na naman kamutin dahil ang sarap naman talaga. Ewan ko pero malamang sa tuwing kinakalkal ko ito nasasapul ko ang mga nerve endings kaya may sensation na dumadaloy paakyat sa katawan ko. Kaya ang ending nabakbak na naman ang balat ng itlog ko. Kaya nilagyan ko ulit ng EFFICASCENT OIL, ang cool!!

Pero hindi na nakakatuwa ang pakiramdam na pagkatapos mong kamutin kung ano man ang makati, kirot naman ang mararamdaman mo kapag nabasa na ito ng tubig. Kaya naman sa tuwing bagong ligo ako natutunan ko na naman maglagay ng JOHNSON'S BABY POWDER. Pakiramdam ko baby na naman ako. Pero pansamantala lang ang ginhawang ibinibigay ng pulbos.

Ilang araw ng kalbaro ang dinadanas ko. Pero hindi pa rin ako nawawalan ng paniniwala sa EFFICASCENT OIL. Kapag nakakapa ko nang naglalangib at nangangati na naman, apply lang ako. Kaya ang lamig-lamig naman sa pakiramdam. Extra Strength na nga daw iyon. Dati, nung bata pa ako, wala namang nakasulat na 'Extra Strength' sa label niyon.

Nakakatuwa naman isipin na sa pagdaan ng panahon ang EFFICASCENT OIL at JOHNSON'S BABY POWDER noon ay wala pa din ipinagbago. Kung paano ko sila nakilala noon ay ganoon pa din sila ngayon. Pero nadedesperado na talaga ako. Kaya humingi na ako ng tulong sa isa pang matagal ko nang kakilala na hindi rin nagbabago sa paglipas ng panahon.

'Eto talaga, walang biro, nung sakiting bata pa ako noon, iniimagine kong kami ng pamilya ko 'yung naka-drowing sa label nito. Siyempre, sino pa ba? E di ang FAMILY RUBBING COMPOUND ALCOHOL. Hindi lang pampamilya pang-sports pa... Pero hindi iyon, si Rhea and may commercial no'n.

Naglagay ako ng marami-raming alcohol sa kamay ko at idinampi ko sa nangangating betlog. At presto! Ayon! Mahapdi! Gaya lang ng inaasahan ko. Nanunuot talaga ang hapdi sa kaloob-looban. Kung hindi ka naniniwala e di i-try mo!

Kinabukasan, kataka-takang hindi na ako nakaramdam ng pangangati kaya pwede na akong makipag-laro ng: Itlog-itlog-itlugan, Assignment-assignment-suntukan, Ikaw-ako-walang gagalaw...


-jhayYz

NATIONAL TREE ( PAMBANSANG PUNO) by: jhayyz

Taliwas sa pagkakaalam n g marami. Hindi mangga ang pambansang prutas ng Pilipinas kundi aratiles. Kahit saan lugar sa Pilipinas, mayroong puno nito, kaht sa probinsiya, kahit sa Metro Manila, kahit sa mga bakanteng lote at kahit nga sa mga nilulumot na pader ay mayroon ding tumutubong aratiles. Natuklasan ko iyon nung kinder pa ako, nung mapagtrip-an namin ng mga kalaro ko na manghuli ng mga ipis-bato. Nakita kong may binhi ng aratiles sa paborito naming tambayan ang kanal.

Speaking of kanal, nung isang araw may nakita akong mga bata na ngangapa sa kanal para manguha ng mga baryang nahuhulog at kung makakakuha ay ipangka-kara-krus nila. Wala pa rin talagang ipinagbago ang mga bata noon at ngayon. Dahil noon ang mga kalaro ko hilig din nilang mangalukay ng kanal. Ang kaibahan nga lang siguro medyo sosyal na sila ngayon dahil bumibili daw sila ng tig-pipisong naka-repak na chlorine para ipanglinis sa mga kamay nila.

Pero mabalik tayo sa aratiles. Ewan ko nga ba kung bakit hindi pa idinideklara ng Department of Agriculture at Department of Education Culture and Sports na ang ating pambansang prutas ay ang aratiles. Nang sa gayon ay maituro na ito ng mga guro sa mga mag-aaral sa elementarya.

Bukod sa GMRC na subject. Dapat isama na rin sa curriculum ang subject na ARATILES EDUCATION. Kami nga noon ang P.E. namin pabilisan sa pag-akyat sa puno at paramihan ng makukuhang bunga, dapat puro pula lang. Tapos kapag nagkadayan sa partihan, boksing naman.

Hay! Parte talaga yata ng buhay ng bawat bata ang aratiles. Pre-requisite ang subject na "Kasaysayan ng Aratiles" at kung hindi mo ito mate-take up hindi ka din makakapag-highschool. Pero umabot na ako sa edad na ito, ngunit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang english ng aratiles, basta ang tawag ko diyan nung college na ako "3PM".

Mayroon daw tatlong uri ng mga taong darating sa buhay mo. Ang una ay tila isang masarap na hangin na dumaan lang. Ang pangalawa ay malakas na ipu-ipo na maaaring iwanan kang sugatan, subalit matututo ka. At ang pangatlo ay sadyang ipinadala upang gamutin ka pagkatapos ng isang unos.

Sa bawat pagkakataon at mga kabanatang nagdaan sa buhay ko hindi ko maiwasang malungkot. Wala na yatang mas malungkot pa sa salitang paalam. At wala na rin yatang mas masakit pa sa salitang pagluha.

Luha... Paalam... Mabibigat na salita, at 'eto pa ang isang mabigat. Alaala... Sa bawat pagbabago maiiwanan ka talaga ng mga alaala. Sana sa bawat alaala ay kasing tamis din ng mga pulang aratiles na pinipitas ko nung ako ay munting bata pa. Pero ang ilan sa mga iyon ay mapakla at napag-dudulot pa sa iyo ng iti.

Bakit kaya may star sa bunga ng aratiles???

-jhayYz

Kilala mo ba si KARMA??? by: jhayyz

Takot ako sa mga matataas na lugar, kahit nga nakikitra ko pa lang ito nalulula na ko. Kapag nakakakita ako ng malaking palaka ay natatakot din ako. "Yung balat kasi nila akala mo halimaw. Takot din ako sa mga kabute. Nagsimula ang takot ko sa mga kabute nung habang naliligo ako at makita kong may kabuteng tumubo sa banyo namin. 'Yung balat niya kasi parang halimaw din...

Pero takot din ako sa karma. Kaya nga sa ngayon pa lang nag-iipon na ako ng mga mabubuting gawain para matakpan ang mga kasalbahihan ko. Masyado na kasi akong nagiging walang pakundangan.

Ang karma ay hindi lang sa kung anong masamang ginawa mo ay iyon din ang babalik sa iyo. One is to two ang labanan. Kung gagawa ka ng isang kabalbalan, dalawang mabubuting bagay ang suklian niyon..

Ngayon, may magtatanong, e bakit 'yung mga batang humuhuli ng babuy-babuyan, tapos lulunurin lang sa loob ng bote ng softdrink na may tubig hindi nakakarma? Tapos iyung mga nagtutupada ng mga salagubang at pinagdidikit ang likod ng mga salagubang ng bubble gum, ang unang matihaya talo. Nakakarma din sila. Alam ko dahil napagdaanan ko na 'yon.

Kapag inangat mo kasi ang isang malaking bato sa lupa. Makikita mong maraming magtatalunang babuy-babuyan, at nung hinuli ko iyon at pinaglaruan. Binugbog ako ng nanay ko no'n. At nung matapos kaming maglaro ng wrestling ng salagubang nadikit naman sa shorts ko ang bubble gum. At binugbog na naman ako ng nanay ko. O 'di ba may karma talaga?

Ang karma ay maaaring paraan din ng Diyos upang magturo ng leksiyon sa mga tao. Halimbawa, kung ang kapatid mo ay naghihirap. Tapos nandiyan ka upang lumutas ng mga problema niya. Hinahadlangan mo ang daloy ng karma kapag ganoon. Dahil siya lang naman ang may kasalanan kung bakit siya ngayon baon sa utang. Pero dahil nga sa magkapatid kayo, hating-kapatid din pati sa bangis ni Karma Chameleon.

Madalas banggitin ng ate ko na nasa tabi-tabi lang daw si Carmi Martin. Kaya dapat mag-ingat. Kilala niyo ba si Carmi Martin? Siya 'yung asawa ni Roderick Paulate at 'yung kabit naman ni Kuya Dick si Amy Perez.

Ang pag-ikot ng karma sa buong mundo ay para lang lesson sa Science and Health, ang Evaporation Cycle. Ang dagat kapag kumulo sa init ng araw nagiging ulan. Sa pagbuhos ng ulan bumabalik naman ito sa dagat. Ang giyera, ang pagbagsak ng ekonomiya, baka nga pati din ang paglindol sa China ay dulot din ng karma... Baka lang, hindi ko rin alam.

Pangarap kong maging duktor no'n kaya tinutupad ko lang ang mga pangarap na iyon. At bilang isang duktor ay ito ang natuklasan ko:

MGA SINTOMAS NG KARMA

1. Bumalik sa iyo ang masamang ginawa mo.

2. Maiisip mo'ng: Bakit mo nga ba ginawa iyon?

3. Malalaman mo na masakit pala.


-jhayYz

#0001 by : jhayyz

Nakakalokong sa gabi mismo na ngumiti ang langit nung December 1 ay siya namang pagbagsak ng mga luha ko habang nanonood ng Games Uplate Live. Hindi nakakaiyak ang palabas dahil sa tagal ng pinapanood ko iyon ay hindi naman na-reformat ang show para maging drama. Gameshow iyon para sa mga may insomnia.

Hindi ko alam kung bakit basta na lang ako naluha. Hindi ko naman maituring na pag-iyak 'yon dahil hindi ako nahikbi. Magkaiba ang naluha sa umiyak. Pero matagal-tagal na pala mula ng huli akong maiyak. 'Yung huli kasi matindihang atungal ang ginawa ko. Kaya pagkatapos ay gumaan agad ang pakiramdam ko. At 'pag gising mugtung-mugto na ang mga mata ko at pakiramdam ko ay antok na antok ako buong maghapon at tila in-stapler-an ang mga talukap ng mga mata ko.

Pero ilang taon na ang nakalilipas mula noon. At ilang panahon na rin ang lumipas na sa tuwing pagod na pagod na ako, basta na lang pumapatak ang luha ko ng walang ka-strain-strain sa mga pupil at walang ka sound-sound. Para lang umaarte sa harap ng camera na magaling pa kaysa kay Coco Martin.

Kadalasan sa tuwing nanonood ako ng Games Uplate Live. Hindi ko talaga maiwasang magduda na pinapalitan nila ang mga sagot. Pero patuloy lang ako sa panonood dahil sabi ni Jaymee Joaquin ay monitored naman daw ng DTI Representative ang game mechanics pati ang pagtawag sa mga downloader na tatatawagan. Sumali ako noon ng ilang beses pero itinigil ko rin dahil alam ko na noon pa man na wala akong suwerte pagdating sa larangan na iyon. Pinagbigyan ko lang naman kasi ang panawagan ni Jaymee.

Risk-taker ako to the extreme at madami-dami na din akong sinugalan at ipinaglaban sa buhay ko hanggang sa huling minuto ng laban. Pero sa totoo lang, nagtatapang-tapangan lang naman ako at nasasaktan din ako bandang huli.

Sa mga nagdaang episode ng Games Uplate Live, habang nagho-host si Jaymee Joaquin, nasabi niya na: "When you're down, there's no way but to get up." Tumatak sa isip ko ang sinabi niyang iyon. Alangan naman kasing bumagsak ka na ay lalo mo pang idadapa ang sarili mo. Pero sa totoo lang din, ang hirap kayang gawin niyon.

Pero may isang scientist yata ang sumasalungat sa panginoon kong si Jaymee Joaquin, hindi ko nga lang alam kung sino iyon basta ang sabi niya daw: "What comes up must go down."

At sa nakakaloko din pangyayari gaya ng pagpatak ng luha ko. Nais ko din sumang-ayon sa siyentipikong iyon. Sa kadahilanang parang minsan sa buhay ko naranasan ko din iyon.

-jhayYz

jhayyz HISTORY... by: jhayyz

August 10 2003 ng bumalik sa pag chachat ang mr_whiskey_20 sa history ng yahoomessenger... hindi man lingid sa inyong impormasyon... aq po ay isang old chatter na bumalik lang upang malaman kung buhay or active pa ung account ko noon ... nagulat at na mangha ako ng aking makita ang aking account na aktibo pa hangang sa ngayon...kung iisipin nyo po kasi.. 2003 dalawang libo't tatlo pa ito na i register sa yahoomessenger ...naalala ko tuloy yung mga araw na ako ay isa palamang elementarya at akoy nag sisimula palamang dito sa yahoomessnger .


Nuong 2003 ako nag simula sa yahoo na ito aminin ko na oo wala ako alam sa bagay na to pero nag pursige at nag practice ako sa pag ttype ng mga salita at mga bagay bagay para mapa husay ko ang aking typing skill.... d kalaunan ....naging medyo mabilis ako. sa pag tatayp.

Una ko naging karanasan dito sa chating ay pumasok sa room na room 36 or 30+ basta nakalimutan ko na sa tagal... dahil nung mga oras na yun... wala pa talaga ako alam basta ako lang si tayp dito tayp doon. helow dito helow doon .. sabi nga nang nanay ko bakit daw naka hiligan ko ang ganintong gawain samantalang d gaya ng ibang bata na nag lalaro sa kalye at kung anu anu pa... ibang iba daw ako sa mga bata dahil hindi daw ako mahilig mag laro ng mga larong pang bata...naisip ko tuloy kung abnormal ba akong bata .. pero kahit ganoon pa man d rin ako nag paawat sa mga pag saway sakin at pag babawal sakin ng mga magulang ko sa pag chachat at pag lalaro ng counter strike . yun lang talaga kasi ang aking alam noong ako'y bata pa..


Gradweysyon na namin ng elementarya sa skwelahan ng Baclaran elementary school.
nag disisyon ako na tumigil muna sa pag laro at pag gamit ng kompyuter na to ,dahil alam ko na pag dating ng sekondarya medyo mahihirapan at ma giging abala ako sa aking mga pag aaral ... at nangyari nga ang aking gustong mangyari naawat ko ang aking sarili sa pag gamit nito.. pero hindi parin maalis sa isip ko ang mga naka add sa yahoomessenger ko keso nag reply na siguro ung nililigawan ko.. keso may kausap ako na gusto ko makita sa web cam kung siya ay maganda , ah basta un nalang siguro yun kasi mas lamang ang pag papahalaga ko sa aking pag aaral nung panahon na iyon.


Ng Maka tapos ako sa aking pag aaral sa Sekondarya na uso naman ang DOTA.?? ba yun ? oo tama dota nga... isang laro na lan game sa kasaysayan ng computer na kung saan naging manlalaro din ako ... naging paborito ko panga na tauhan dito si licH kasi siya ang madali kontrolin at gamitin na karakter sa larong ito...naging isa ring pustahan at naging sugal ang larong ito kaya maraming na hihilig at na aadik sa larong ito .

Oktubre 2007 nag simula na ako mag paka adik nanaman sa pag yayahoomessenger, nuong una... di ko pinapansin yung salitang "BOOTER" dahil d ko rin talaga alam ang bagay na iyan... marami na akong narinig niyan dahil minsan na rin akong na gamitan nang salamangka na iyan.


(INCOMPLETE) TO bE CONTINUE....

NA UUSO NNMN :D by: jhayyz

ukod sa mga pornographic film na paborito kong panoorin sa portable DVD Player. Nahihilig din akong kumain ng "Jjampong na Pipitsugin" Ito 'yung noodles na babanlian lang ng mainit na tubig at makapipili ka pa ng ng kung anong flavor ang gusto mo.

Marami nang nausong pagkain ang itininda sa paligid-ligid. Nung magsimulang mauso ang pearl shake. Naintriga ako ng husto sa kung ano ba 'yung black pearl. Kaya bumili ako at sa pagdaan ng mga araw na iba-ibang flavor ang bibibili ko'y natuklasan kong pinakanagustuhan ko ang Cookies and Cream.

Ang isa pang nauso nung highschool pa lang ako ay ang shawarma. Pero hanggang sa oras na ito ay hindi pa rin ako nakakatikhim kaya wala akong masasabi tungkol dito.

Nung maging hit sa takilya ang calamares sa mga gilid ng kalsada. Nakikipag-buno pa ako makuha lang ang parteng galamay, dahil sa aking palagay mas mura 'yon sa halagang tres pesos. Pero bago ang calamares nauso muna ang mga stall na nagtitinda ng kikiam, squid ball, chicken ball at kung anu-ano pang may ball.

Nung matipos naman ako nung anim na taon pa lang ako ay naging paborito ko ang biskwit na Marie at ang Cherryball. Nauso din kaya 'yung bubble gum na maasim at 'yung bubble gum na kumukulay sa dila. Bakit kaya panay bubble gum ang kumakamada sa kukote ko? Baguhin naman natin ng bahagya... O di ba nauso din ang Plastic Baloon? Dati nga ipapalobo ko pa 'yon ng malaki tapos, isusuot sa ulo, tapos magpapalobo ulit at ipapatong hanggang sa maging tatlong layer ng lobo ang nakapatong sa ulo mo. At 'pag tinanggal mo na lalamukusin mo'ng parang papel at kapag nakita mo 'yung batang eengot-engot itutuktok mo sa noo niya kaya puputok at magugulat naman 'yung batang eengot-engot.

Nauso din nung bata pa ako 'yung tipak-tipak na scrap candy na kulay pula. Ang tawag namin dito ay Magic Candy. Sa halagang piso mabubungi ka na. Nauso din 'yung candy na kapag kinain mo ay pumuputok sa loob ng bibig mo.

Nagkakabanggitan na rin lang ng candy, isa rin sa all-time favorite ng marami ang Ice Candy na iba-iba ang flavor. Munggo, Milo, Grapes... Ayoko nang banggiting ang iba dahil hindi ko 'yon gusto. Naku 'eto pa, nauso din ang Ice Cream Stick, chocolate flavor lang ang nagustuhan ko.

Sa mga laruan nauso ang mga Trolls na iba-iba ang kulay ng buhok, nakahubo naman lahat. Matagal nang palaisipan sa akin ito kung kung babae ba o lalake si Trolls? Wala kasing pooot-poot at tooot-toot!!!

Nung mabait na bata pa ako niregaluhan ako ni Santa Claus ng laruang puppet na sumusuntok. Oo, nauso din 'yon!

Sa mga palabas sa TV. Nauso din ang Time Travel Tondekeman. Paborito kong panoodin 'yon dahil nakakapaglakbay sila sa ibat-ibang panahon gamit ang takure. Nauso din ang pagkatagal-tagal na Sailormoon, sa sobrang dami ng episode wala akong matandaan. Nauso din si Mojacko 'yung bilog na orange na mabalahibo.

Sa dami ng nauso, bakit kaya hindi mauso ang Family Planning sa Pilipinas? Kaya lang ayaw ng simbahan sa mga artipisyal na paraan. Kahit pa maganda ang layunin ng Reproductive Health Bill. Magiging talamak daw ang pakiki-apid. Bakit, hindi pa ba talamak??? Ewan ko nga ba sa mga kababayan ko, ayaw nila sa plastik, ayaw din nila sa prangka. E ano ba talaga?

Ganunpaman, hindi na mahalaga kung natural o artipisyal ang paraan ng pagpa-plano ng pamilya. Ang mahalaga ay mapabagal ang mabilis na pagdami ng populasyon. Karugtong ng pagdami ng tao ang kahirapan. Ang daming nag-aagawan sa kaunting oportunidad.

Nauso na ang Caregiving Course. Nauso na ang lahat ng magagandang gadget, Computers, Information Technology. Pero hindi pa din tayo nauusuhan ng pag-unlad sa bansa natin. Sayang ang mga emosyon at pagsisikap. Baka dumating ang panahon sa sobrang dami ng naghihirap, hindi na mauso ang mangarap...

Sa panonood ko ng mga pornographic film. Madami akong natutunang mga nauusong posisyon sa sex. May lying... May sitting... May kneeling... Magkakaroon kaya ng Flying Position?


-=jhayYz

ANG "OPM" SA BANSA NGAYON by: jhayyz

"Nakasusulat" ako ng talata sa salitang Ingles... (Tama! Nakasusu- hindi, Nakakasu- iyon ang tama! Iyon ang napag-aralan namin sa Sining ng Pakikipagtalastasan nung college)

NAKAKASULAT ako ng talata (he he!) sa salitang Ingles pero hindi ito kasing-bilis ng pagsulat ko sa salitang tagalog. Pero naisip kong may mga expresion sa english na ang hirap-hirap i-translate sa Filipino... Pilipino... Bakit nga ba letter "F" at "P" pa ang _ilipino? NAKAKALITO tuloy! Ooops! NAKALILITO pala!

Pero bakit nga ba ang nakatira sa America ang tawag sa kanila American? Bakit ang mga nakatira sa Philippines, bakit hindi matawag Na "Philippino"? Ang gulo ko 'di ba? Ang gulu-gulo nating lahat na nakatira sa bansang Pilipinas.

Letter "F" at "P" pa lang migraine na. E paano pa kaya kung dumating na ang trio ng "C.Z.S."?

Noong mid-90's nahilig ako sa OPM. Bata pa ako nung tanungin ko ang ate ko kung ano ang ibig sabihin ng OPM..? Ang sagot niya sa akin ay "Ol Pilipino Myusik". Ako naman si tanga ay naniwala, kaya hanggang sa mag-highschool, kumbinsidong-kumbinsido ako na iyon nga ang ibig sabihin ng OPM. Pero habang tumatagal nagdududa na ako sa katotohanang iyon. Saka ko lang natuklasang ORIGINAL PILIPINO MUSIC pala ang totoong ibig sabihin niyon.

Original? Pero bakit gano'n? Dati kapag narinig mo ang kantang "Nanghihinayang" alam mong original song iyon ng Jeremiah. Kapag "Kasalanan Ba" sa Men Oppose. Kapag "Sana ay Mahalin Mo Rin Ako" alam na alam kong sa April Boys iyon (e kapag kinakanta ko kaya iyon no'n, napapapikit pa ako). Dati 'yon...

Kung tutuusin mas talented ang mga mang-aawit ngayon. Mas kargado ng mga voice lesson at workshops. Pero wala nang mai-produce na ORIGINAL-HUGE-HIT-SONG. Nakakaawa naman sila Sheryn Regis at Rachelle Ann Go. Mga totoong may talent pero nasasayang lang dahil hindi ma-recognize. Kumikita sila, pero para lang silang hotel lobby singer na naka-secure ng album. Gusto ko ang style nila, kapag nanonood ako ng ASAP sila ang inaabangan kong umawit.

Ganunpaman, hindi lang naman silang dalawa. Marami pa... Naging cover country na nga ang Pilipinas. COVER... RENDITIONIST... REMAKE... Wala akong alam sa MUSIC INDUSTRY ng FILIPINAS. Taga-pakinig lang ako at paminsan-minsan bumibili ng original cd sa SM Manila.

Malayung-malayo na ang narating ng ng OPM... Malayo na sa konseptong originally sa acronym nito. Mabuti pa talaga ang Jeremiah noon, hanggang sa tumanda sila alam kong sila ang kumanta ng "Nanghihinayang".

Tsk tsk! Ayokong maramdaman ito, dahil alam kong may there's always a room for improvement. Peo hindi ko maiwasan ang manghinayang sa industriya ng O.F.M.

-jhayYz